Home NATIONWIDE P10K internship studes allowance bill, lusot na sa Komite ng Kamara

P10K internship studes allowance bill, lusot na sa Komite ng Kamara

395
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Bill No. 2778 o Student Internship Allowance Act, na naglalayong magbigay ng isang beses na P10,000 na allowance sa mga estudyanteng nakatapos ng kanilang required internship, practicum, o on-the-job training (OJT) sa higher education at technical-vocational institutions.

Layunin ng panukalang batas na mabawasan ang gastusin ng mga estudyante sa transportasyon, pagkain, at iba pang pangangailangan habang nagsasanay.

Ang allowance ay hindi bubuwisan, hindi maaaring ipasa, at walang ibabawas na anumang halaga, at sasaklaw sa mga estudyanteng naka-enroll sa CHED-recognized schools at TESDA-accredited institutions.

Inaprubahan rin ng panel ang House Bill No. 4699 na nag-uutos sa TESDA na magdisenyo at magpatupad ng technical-vocational education, training, at livelihood programs para sa mga rehabilitated drug dependents.

Inatasan din ng panukala ang DOLE na magbigay ng insentibo sa mga kumpanyang kukuha ng mga benepisyaryo ng programa, upang mabigyan sila ng kaalaman at kasanayang magagamit sa trabaho at makapagsimula ng pangmatagalang kabuhayan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here