Home NATIONWIDE Solar power sa mga bilangguan sa Pinas, ikinokonsidera ng BuCor

Solar power sa mga bilangguan sa Pinas, ikinokonsidera ng BuCor

197
0

MANILA, Philippines – Kinokonsidera ng Bureau of Corrections (BuCor) ang paggamit ng solar energy sa mga bilangguan sa bansa, kung saan umaabot sa humigit-kumulang P162 milyon kada taon ang gastos.

Nilagdaan ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang memorandum of understanding (MOU) kasama ang BDLS Core Energy and Construction Solutions, Inc. para magsagawa ng feasibility at viability study sa posibilidad na gawing solar o iba pang renewable energy ang mga pasilidad ng bilangguan.

Ayon sa MOU, isasagawa ng BDLS ang pag-aaral nang walang gastos sa gobyerno at magsusumite ng komprehensibong ulat na may rekomendasyon.

Magbibigay naman ang BuCor ng access sa mga pasilidad para sa pag-aaral. Humigit-kumulang PHP102 milyon ng taunang gastos sa kuryente ay para sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institution for Women sa Mandaluyong. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here