CEBU – HINDI inakala ng isang chainsaw operator na ang pagputol niya ng sanga ng malaking punong kahoy ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan matapos itong mabagsakan, iniulat kahapon sa Oslob City.
Kinilala ang biktimang si Limber John Baoy Albaran, 33, at residente ng Barangay Lengigon, Argao City.
Batay sa report ng Oslob Police Station, naganap ang insidente noong Lunes ng hapon, Enero 26, 2026, sa Purok Canumay, Barangay Tumalog, ng nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pinakyw ng biktima ang mga kahoy sa pagputol, subalit habang nasa kalagitnaan ito ng pamumutol, nabagsakan siya sa kanyang ulo ng malaking sanga, na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.