CAMP OLIVAS, PAMPANGA – Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang puganteng Most Wanted Person (MWP) na may tig-26 na kasong rape sa ikinasang magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Angeles City.
Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., unang nadakip ng pulisya ang isang suspek na Most Wanted Person na may 26 na kaso ng rape sa manhunt operation sa Barangay Malabanias, Angeles City.
Habang naaresto ng Angeles City Police Station 5 (ACPO) Tracker Team ang 36-anyos na lalaki, na Most Wanted Person at akusado rin sa kasong panggagahasa, na may tig-26 na counts ng kasong rape na naisampa sa hukuman.
Nadakip ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng korte laban sa kanila.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.