Home METRO Barangay kagawad, niratrat sa tapat ng gasolinahan

Barangay kagawad, niratrat sa tapat ng gasolinahan

175
0

COTABATO – PATAY ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang nakatayo sa tapat mismo ng kanyang gasolinahan kaninang umaga sa bayan ng Kabacan.

Kinilala ang biktimang si Kagawad Edgar Gatchalian ng Barangay Aringay, na may-ari rin ng gasolinahan sa naturang lugar.

Batay sa paunang report ng Kabacan Municipal Police Station, bandang 5:00 AM naganap ang krimen habang nakatayo ang biktima sa kanyang gasolinahan.

Dito, bigla na lamang sumulpot ang armadong suspek at pinaulanan ng bala ng baril ang biktima, na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan, na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang follow-up operation ng pulisya para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek para sa agarang pagkadakip.

(Mary Anne Sapico)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here