MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa Koronadal City, South Cotabato ngayong Huwebes, Enero 29, 2026, matapos ang sunod-sunod na lindol sa rehiyon.
Nagpatupad din ng suspensiyon ng klase ang mga lokal na pamahalaan ng Sarallah at Polomok sa South Cotabato.
Ayon sa mga awtoridad, isinagawa ang suspensiyon upang bigyang-daan ang pagsusuri sa mga gusali at istruktura kasunod ng mga lindol. RNT