Home NATIONWIDE Luzon, Visayas uulanin sa amihan

Luzon, Visayas uulanin sa amihan

166
0

MANILA, Philippines – Magdadala ang Northeast Monsoon o amihan ng maulap na kalangitan at mahihinang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.

Inaasahang makararanas ng maulap na panahon na may bahagyang ulan ang Cagayan Valley, Aurora, at Quezon bunsod ng amihan, na wala umanong inaasahang malaking epekto.

Ganoon din ang lagay ng panahon sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa na magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong mahihinang pag-ulan.

Samantala, makakaranas ang Mindanao, Eastern Samar, Leyte, at Southern Leyte ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms.

Posible umano ang pagbaha at pagguho ng lupa sa oras na lumakas ang mga thunderstorm.

Ayon sa PAGASA, katamtaman hanggang malakas ang lakas ng hangin sa Northern Luzon na magdudulot ng katamtaman hanggang maalong dagat.

Sa Visayas at iba pang bahagi ng Luzon, mahina hanggang katamtaman ang hangin na may bahagya hanggang katamtamang alon, habang sa Mindanao ay mahina hanggang katamtaman ang hangin na may bahagya hanggang katamtamang kondisyon ng karagatan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here