Home OPINION KABOBOHAN NG MGA BATA MALALA

KABOBOHAN NG MGA BATA MALALA

266
0

MULI nating tunghayan, mga Bro, ang masakit na kalagayan ng ating mga mag-aaral sa elementarya hanggang high school.

Ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2), pabobo nang pabobo ang mga mag-aaral mula Grade 1-3 hanggang Grade 6 at Grade 12.

Sa pagbabasa lamang na dapat may pag-unawa, 85 porsyento mula Grade 1 hanggang Grade 3, hiraaaaap na hiraaaaap sa pagbabasa.

Ayon naman sa Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA) sa katapusan ng School Year 2024-2025, 48.76% ng mga batang mag-aaral ang hindi makapagbasa nang matino pagdating nila sa Grade 3.

Sinasabi rin na sa parte ng mga marunong magbasa nang may pag-unawa sa Grade 3, 30.5 sa bawat 100 ang pumapasa; 19.56 na lang ang bilang nila pagdating sa Grade 6 at 4 na lang pagdating nila sa Grade 12 o senior high school.

Anyare sa sinasabi ng mga guest speaker tuwing graduation na world class ang mga batang Pinoy sa pag-aaral?

MGA PROBLEMA

Sa isinumite ng Edcom 2 sa Kongreso na ikatlo at panghuling National Education and Workforce Development Plan for 2026 to 2035, itong mga datos na resulta ng pag-aaral ang ipinaliwanag, kasama ang mga dahilan.

Kasama sa mga dahilan ng malalang pagkabobo ng mga bata hanggang nagtatagal ang ginagawa ng mga titser na pagpasa nila ng lahat ng mag-aaral kahit mga bobo.

Kasama sa masasamang ginagawa ng mga titser ang paggawang 75 ng mga gradong 60 o failed.

Ito’y para magmukhang naaabot ng mga bata ang proficiency o sapat na galing para pumasa.

Ayon kay House Basic Education Committee Chairperson Rep. Roman Romulo, inihahayag ng mga guro ito, ““Sabi rin sa amin ng isang guro, ayaw namin ipasa dahil minsan alam namin ang bata hindi talaga handa, pero napipilitan kami dahil kapag binagsak namin, nasasabihan kami na pinahamak namin ang division o ang school.”

Kita niyo, mga Bro?

Isa pa, dahilan din ng kabobohan ang 23.6% ng mga mag-aaral na stunted o bansot o kulang sa pagkain at masustansyang pagkain para lumaki silang malusog; 34% lang ang pumapasok sa iskul bago mag-kindergarten; at labis na kakulangan ng oras sa pag-aaral na 191 na aktuwal na araw at 42 araw ang inilalaan para sa suspension at school activities.

SOLUSYON: MASS PROMOTION IPAGBAWAL

Isa ngayon sa mga solusyon ang pagbabawal sa mass promosyon o pagpasa lahat ng mga mag-aaral at umakyat nang umakyat sila lahat hanggang Grade 12 at masasabing senior high school graduate na sila.

Pero ayon sa mga titser, may iba pang malalaking dahilan gaya ng pagpipilit na pairalin ang human rights.

Bawal nang sigawan o kahit tapikin lang ang mga bata upang magising ang mga ito sa loob ng iskul at maengganyong mag-aral.

Halos wala rin umanong partisipasyon ang mga magulang sa loob mismo ng mga tahanan upang mapilitang mag-aral ang mga bata.

Sinasabayan ng maraming magulang ang mga bata sa pag-ubos ng panahon sa mga gadget o panonood sa telebisyon ng mga karton na hindi nakatutulong sa pag-aaral.

Anong sey niyo, mga Bro?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here