Home NATIONWIDE Direktang flight patungong Hanoi, Vietnam, iaalok ng CEB

Direktang flight patungong Hanoi, Vietnam, iaalok ng CEB

193
0

MANILA, Philippines – Magsisimula nang mag-alok ang Cebu Pacific (CEB) ng direktang biyahe mula Clark patungong Hanoi, Vietnam simula Mayo 2.

Ang thrice-weekly na serbisyo ay biyahe tuwing Martes, Huwebes, at Sabado mula Clark, at Miyerkules, Biyernes, at Linggo mula Hanoi.

“Launching direct flights from Clark to Hanoi is an exciting milestone for Cebu Pacific as we continue to strengthen Clark as a hub,” ayon kay CEB president Xander Lao.

Dagdag niya, nagbibigay ang ruta ng mas maraming pagpipilian sa pagbiyahe para sa mga pasahero mula Hilaga at Gitnang Luzon.

Mula Enero 28 hanggang Pebrero 1, maaring mag-book ang mga pasahero ng one-way fares mula Clark patungong Hanoi simula sa PHP 1, hindi kasama ang fees at surcharges. Ang travel period ay mula Mayo 2 hanggang Oktubre 31, 2026.

Ang Hanoi ang ikalimang international destination ng Cebu Pacific mula Clark, kasama ang Bangkok, Hong Kong, Tokyo, at Singapore. Kasalukuyang nag-ooperate ang airline sa 37 domestic at 26 international destinations sa Asia, Australia, at Middle East. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here