Home HOME BANNER STORY 1 sundalo dedo, 1 sugatan sa engkwentro vs Dawlah

1 sundalo dedo, 1 sugatan sa engkwentro vs Dawlah

207
0

MANILA, Philippines – Isang bakbakan laban sa mga umano’y lokal na terorista sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur ang ikinamatay ni Corporal Ryan Jun Bagual mula sa 90th Infantry Battalion at ikinasugat ng isa pang sundalo.

Ang mga tropa ng 90IB ay nagsagawa ng operasyon matapos makatanggap ng ulat na may balak na magsagawa ng karahasan ang mga hinihinalang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Hassan Group (DI-HG) sa Sitio Bagurot, Barangay Tuayan Mother. Nangyari ang engkwentro bandang alas-8 ng umaga noong Enero 27, 2026.

May be an image of text

Ang nasugatang sundalo ay dinala sa ospital at nasa stable na kondisyon. Nagpadala ng karagdagang pwersa ang militar upang habulin at puksain ang natitirang miyembro ng grupo.

Pinuri ni 6ID Commander Major General Jose Vladimir Cagara ang katapangan ni Cpl. Bagual at nangakong ipagpapatuloy ang operasyon laban sa DI-HG at itutuloy ang hustisya para sa mga biktima ng kanilang terorismo. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here