Home ENTERTAINMENT Barbie, magpapatayo na ng bahay sa Bicol!

Barbie, magpapatayo na ng bahay sa Bicol!

446
0

Manila, Philippines – Kung gaano siya kaganda’y ganoon din kaganda ang disenyo ng ipatatayong bahay ni Barbie Imperial para sa kanyang ina’t kapatid sa kanilang hometown sa Bicol.

Sa kanyang Instagram, ipinost ng Kapamilya actress ang design ng bahay na iniaalay niya para sa kanyang Mama Bing at kuya.

Nagkaroon na ng groundbreaking ceremony with her family at pinsang architect.

Bale contemporay modern ang design nito na may malalaking bintana para lagusan ng natural light.

May swimming pool din ito.

Masayang caption ni Barbie: “May bahay na ako sa Bicol!”

Resulta ‘yon ng sampung taon sa showbiz–much of it daw ay utang niya sa ABS-CBN sa pagbibigay nito ng trabaho sa kanya.

Post niya: “Thank you to everyone who helped me achieve my dreams in life. I’m especially thankful to ABS-CBN and my Star Magic family for all the projects they trusted me with, to everyone who trusted me and continues to trust me.”

Barbie couldn’t help but feel emotional dahil naalala daw niya ang pinagdaanang hirap spanning 10 years.

Namuhunan daw kasi siya ng “puyat, pagod at ilang beses na iyak.”

llan sa mga nag-congratulate kay Barbie ay sina Mariel Padilla, Tony Labrusca, Max Collins, pinsang si Marco Gumabao at iba pa.

Bongga! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here