Home NATIONWIDE AMLC binanatan ni Cayetano sa paglalantad ng tagong-yaman ni VP Sara gamit...

AMLC binanatan ni Cayetano sa paglalantad ng tagong-yaman ni VP Sara gamit news clippings

3
0

MANILA, Philippines – Pinuna ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano nitong Lunes ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil sa pagsusumite nito sa Senate Impeachment Court ng ulat na naglalaman ng mga paratang na galing lang sa balita, nang walang ipinakitang independiyenteng beripikasyon.

Aniya,  mapanganib na halimbawa ito at magdudulot ng kalituhan sa halip na kalinawan.

“This trial is to clarify and not to confuse… To put ‘AMLC’ there and put a signature [na] parang official [document] na siya, this is just an official ‘Marites’ report in the end,” wika ni Cayetano sa ika-33 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong October 5.

Ang tinutukoy ng senator-judge ay ang dokumentong tinestiguhan ni AMLC Secretariat Executive Director Atty. Ronel Buenaventura na naglalaman ng mga bank transaction ng Bise Presidente na minarkahang kahina-hinala base sa mga nalathalang balita at mga pagdinig ng Kongreso tungkol sa umano’y maling paggamit ng Bise Presidente ng confidential funds at paratang na may kaugnayan sa droga.

Ayon kay Buenaventura, ang bangko ang gumawa ng orihinal na ulat at isinaad lamang ng AMLC sa kanilang dokumento kung ano ang isinumite sa kanila.

Giit ni Cayetano, dapat ay nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang AMLC sa ulat ng bangko bago ito sinertipikahan, lalo’t wala aniyang indikasyon na nagsagawa ang bangko ng sarili nitong beripikasyon bukod sa mga nabasa nito sa balita.

“AMLC has the power to take a look at the report of the banks,” pahayag ni Cayetano. “Magsa-submit kayo ng report [base sa] ganito na narinig lang natin lahat, nabasa sa dyaryo?”

Itinuro niya ang isang bahagi ng dokumento ng AMLC kung saan may nakasulat na “malversation of public funds” gayong wala namang naipakitang beripikasyong ginawa sa parte ng bangko.

“Dito mismo sa page 6, [ang nakasulat]: ‘Triggered in connection with the House Quad Committee hearing on former President Rodrigo Duterte’s war on drugs as well as by news report alleging the involvement of VP Sara in P6.4 billion shabu importation 2017,’” pagbasa niya.

“Nilagyan lang nila ng narrative after nila mabasa sa dyaryo. There’s nothing in this report that shows that the bank went beyond newspaper reports,” dagdag niya.

Babala ni Cayetano, ang ganitong basta-basta pagpapaikot ng mga alegasyon, lalo ng AMLC, ay nagbibigay-daan sa “political persecution” at may epekto sa mga susunod na imbestigasyon at tiwala ng publiko.

“This is such a dangerous precedent… We’re talking about the future of our country here. We’re talking about trust of people to our leaders,” aniya.

Muling siyang nanawagan para sa patas na proseso sa paglilitis sa pamamagitan ng pagtiyak na totoo at batay sa mga katotohanan ang mga ebidensyang inihaharap sa korte.

“Again, in the end, fairness ang kailangan natin dito sa impeachment court,” pahayag ni Cayetano. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here