Home NATIONWIDE Chairship ng ASEAN-BAC, pormal nang inako ng Pinas

Chairship ng ASEAN-BAC, pormal nang inako ng Pinas

204
0

MANILA, Philippines — Pormal nang inako ng Pilipinas ang chairship ng ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC) sa isang seremonya sa Malacañan Palace.

Dinaluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang turnover, kung saan tinanggap ni Jose Ma. Concepcion III, ngayong taong ASEAN-BAC chairperson, ang watawat ng konseho mula sa Malaysia.

Ayon kay Marcos, nakatuon ang Pilipinas bilang ASEAN-BAC chair sa pagpapalawak ng economic corridors, pagpapalakas ng regional supply chains, at pagbubukas ng oportunidad para sa mga negosyo at komunidad.

Binigyang-diin niya ang suporta sa apat na haligi ng konseho—people, planet, platform, at productivity—kabilang ang pagpapalakas sa micro, small, and medium enterprises, mga manggagawa, kabataan, at kababaihan; pagpapabuti ng food security; pagtataguyod ng digitalization at AI; at pagpapaunlad ng industriya at integrasyon sa rehiyon.

Binanggit ng Pangulo na ang pagsasakatuparan ng mga plano ng ASEAN-BAC ay gagabayan ng temang ASEAN chairship ngayong taon, “Navigating Our Future, Together,” habang isinusulong ang inclusive growth at shared progress sa buong Timog-silangang Asya.

Itinatag noong 2001, ang ASEAN-BAC ang opisyal na tinig ng pribadong sektor sa ASEAN, na nagtataguyod ng ekonomikong integrasyon at mas matibay na kooperasyon sa pagitan ng negosyo at pamahalaan.

Kasabay ng pormal na turnover ang unang ASEAN-BAC Council Meeting ng 2026, kung saan itinakda ang mga prayoridad ng konseho sa ilalim ng pamumuno ng Pilipinas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here