Home NATIONWIDE ‘Isang sakay na lang’: LTFRB binago 12 ruta para sa mas madaling...

‘Isang sakay na lang’: LTFRB binago 12 ruta para sa mas madaling commute

214
0

MANILA, Philippiens – Binago ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 ruta sa NCR, Rizal, at Surigao del Sur para makagamit ng modernong jeep at mapabilis at mapababa ang gastos sa pagbiyahe.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, bahagi ito ng Public Transport Modernization Program (PTMP) at layuning paikliin ang oras ng biyahe upang hindi na kailangang sumakay ng dalawa o higit pang jeepney ang mga commuter.

Kabilang sa binagong ruta ang Rodriguez, Rizal–Quezon Memorial Circle; Rodriguez–Antipolo; San Mateo–Cubao; Mandaluyong City Hall–One Ayala; at Cantilan–Surigao City.

Sinabi rin ni Mendoza na pinag-aaralan ang daan-daang ruta para mas mapadali ang pag-commute.

Pinaangat ng gobyerno ang subsidy para sa modernong jeepney hanggang P400,000 kada unit upang suportahan ang mga operator.

Tiniyak niya na layunin ng PTMP na gawing abot-kaya, komportable, at madaling pagbiyahe para sa publiko. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here