MANILA, Philippines – Nasamsam ng pulisya ang mahigit P1.23 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang delivery driver sa buy-bust operation sa Panglao, Bohol, nitong Biyernes, Enero 30.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Panglao Municipal Police Station bandang 12:05 ng madaling araw sa Purok 5, Barangay Libaong.
Naaresto rito ang isang delivery driver na nagbenta ng illegal na droga sa undercover pulis.
Kinilala ang suspek na isang 43-anyos na delivery driver sa isang private courier service at residente ng Tagbilaran City.
Nakuha ng pulisya ang nasa 182.06 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,238,008.
Narekober din sa kanya ang buy-bust money at iba pang non-drug evidence.
Dinala na sa Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang illegal na droga para sa pagsusuri habang ang suspek ay nasa kustodiya ng Panglao police.
Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC