MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad sa routine traffic inspections sa isang checkpoint sa Quezon City ang nasa P300 milyong halaga ng mga gadget na pinaniniwalaang inismagel.
Pinara ng mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group (HPG) ang apat na aluminum van nitong Miyerkules, Enero 28 sa Mindanao Avenue sa Barangay Bahay Toro bilang bahagi ng Oplan Sita at anti-car theft operations.
Ang mga sasakyan na bumiyahe mula Central Luzon ay pinahinti para sa minor traffic violations, kabilang ang mga pekeng license plates at seat-belt violations.
Ang mga van ay may license plate numbers na CAP 6871, CAN 6355, CCP 5610 at NFF 128.
“The drivers showed us documents, but they were questionable,” ayon kay HPG director Brig. Gen. Hansel Marantan.
“When we asked about the contents, the drivers and their assistants gave unclear explanations. This prompted us to call in the Bureau of Customs for assistance.”
Sinabi ng HPG director na ang nagsimulang minor violation ay magdadala sa kanila sa “bigger, more serious violations and eventually warehouses linked to the shipment” matapos madiskubre na naglalaman ang mga trak ng mga cellphone accessories, cellphone at iba pang electronic gadget.
Ani Marantan, ang misdeclaration at discrepancies sa mga dokumento ay nagpataas ng hinala nila ng posibleng tax violations.
Sinabi ni Customs Deputy Commissioner Police Brig. Gen. Nolasco Bathan na iimbestigahan ng kanyang opisina ang kargamento, mag-iisyu ng warrants of seizure at detention kung kinakailangan at aalamin kung nakapagbayad ng mga kaukulang buwis para rito.
“We need to verify ownership, check all supporting documents, and see if anyone is trying to evade taxes.”
“If these gadgets entered without paying correct duties, it is a significant loss to government revenue.”
Iginiit ng mga opisyal na nakipagtulungan naman ang mga drayber nang kinompronta sila at nasa kustodiya na ng BOC ang cargo.
Nagpapatuloy ang follow-up investigation sa insidente. RNT/JGC