Home NATIONWIDE Rajah Sulayman vessel, akma para sa anti-submarine warfare- Navy

Rajah Sulayman vessel, akma para sa anti-submarine warfare- Navy

204
0

MANILA, Philippines – MAAARING i-develop ang Philippine Navy (PN)’s brand-new offshore patrol vessel, ang future BRP Rajah Sulayman (PS-20), at limang sister ships nito na ide-deliver sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon, para sa anti-submarine warfare (ASW) missions.

Sa panayam ng Philippine News Agency (PNA) kay Navy spokesperson Captain Marissa Martinez, sinabi nito na posibleng gamitin para sa anti-submarine warfare (ASW) missions ang BRP Rajah Sulayman (PS-20) at limang sister ships nito dahil ang mga barko ay mayroong “mission modules” na nagpapahintulot sa mga ito na magdala ng iba’t ibang mga misyon.

Ang ASW ay ang naval mission kung saan ang mga tinatawag na surface combatants o forces ay inatasan sa “detecting, tracking, at, kung kinakailangan, wasakin ang hostile submarine contacts.”

“The mission modules for the OPVs I mentioned include ASW,” aniya pa rin.

Maliban sa ASW, kabilang sa iba pang mission modules ng Rajah Sulayman-class ay ‘search and rescue, at maging humanitarian assistance and disaster relief.’

Depende sa tungkulin ng barko, ang mga mission modules ay puwedeng ikarga bago pa umalis sa daungan.

Winika pa ni Martinez na ang Rajah Sulayman-class OPVs ay magiging ‘very effective’ para sa ASW dahil ang mga barkong ito ay mayroong helideck, hindi kagaya ng lumang barko na may kahalintulad na disenyo sa PN.

“They can be paired with our ASW helicopters (for these missions),” ang tinuran ni Martinez.

Sa kabilang dako, ang PN ay mayroong dalawang AW-159 “Wildcat” anti-submarine helicopters sa serbisyo.

Sinasabi sa ulat na may apat hanggang anim pang units ang makukuha para i-equip ang dalawang brand-new Miguel Malvar-class guided missile frigates at Rajah Sulayman OPVs.

Bukod sa ASW at iba pang misyon, ang Rajah Sulayman OPVs ay maaaring ideploy para sa operasyon sa “the littorals until EEZ (exclusive economic zone)”.

“The future BRP Rajah Sulayman (PS-20) is the lead ship of the Rajah Sulayman-class OPVs and the first OPV constructed by HD Hyundai Heavy Industries (HHI) for the PN,” ayon sa ulat.

“It is designed for sustained operations, allowing for consistent and responsible naval presence in the country’s maritime zones, including the West Philippine Sea. These ships can also support maritime patrols, domain awareness, and law enforcement missions in accordance with international law, which will contribute to the protection of Filipino fisherfolk, and the promotion of safe maritime activities,” ayon pa rin sa ulat.

Ang kontrata para sa nasabing OPVs ay nagkakahalaga ng P30 bilyon.

Inilunsad ang barko noong June 11, 2025, sa HD Hyundai Heavy Industries shipyard sa Ulsan, South Korea. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here