Home METRO Grassfire namataan sa Taal Volcano Island — Phivolcs

Grassfire namataan sa Taal Volcano Island — Phivolcs

180
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Biyernes ng gabi, Enero 30, ang isang grassfire na namataan sa timog-silangang bahagi ng Taal Volcano Island (TVI).

Ayon sa Phivolcs, natukoy ang sunog sa pamamagitan ng kanilang remote monitoring systems, gamit ang mga kuhang video mula sa internet protocol (IP) cameras sa Napayong Island (VTNP) at Taal Main Crater (VTMC) observation stations.

Patuloy na mino-monitor ng ahensya ang sitwasyon upang masuri kung may magiging epekto ito sa kasalukuyang kondisyon ng bulkan.

Sa ngayon, wala pang naiuulat na volcanic unrest na direktang kaugnay ng grassfire.

Nanatiling nasa Alert Level 1 ang Taal Volcano, na nangangahulugang may abnormal na aktibidad ngunit walang inaasahang agarang pagsabog.

Muling pinaalala ng Phivolcs na posible pa rin ang biglaang steam-driven o minor phreatomagmatic eruptions, ashfall, at mapanganib na pag-ipon o pagbuga ng volcanic gas sa loob ng TVI.

Pinapayuhan ang publiko na huwag pumasok sa Taal Volcano Island, lalo na malapit sa Main Crater at Daang Kastila fissure, na itinuturing na permanent danger zones. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here