Home METRO Sundalo niratrat sa Lanao del Sur

Sundalo niratrat sa Lanao del Sur

195
0

LANAO DEL SUR, Philippines – Patay ang isang Army corporal matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Bandara-ingud, Pagayawan, Lanao del Sur, Biyernes ng umaga, Enero 30.

Ayon kay Capt. Steffi Salanguit ng PROBAR, kinilala ang biktima bilang Cpl. Raven Bulaclac o Abdul Jaffar, 33, mula sa 55th Infantry Battalion at nakatira sa Barangay Pantukan, Tugaya.

Habang sakay ng kanyang Lifan KPV 150 motorcycle patungo sa Ganassi, binaril siya ng high-powered firearm sa Bandara-Ingud bandang alas-7 ng umaga.

Tumama sa kanya ang humigit-kumulang 15 bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober sa crime scene ang pitong empty shells ng caliber 5.56 at isang empty shell ng caliber .45. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here