Home METRO Lolo na nangmolestiya ng menor-de-edad, huli

Lolo na nangmolestiya ng menor-de-edad, huli

184
0

MANILA, Philippines – Isang 62-anyos na Lolo na akusado sa kaso ng pangmomolestiya sa isang menor-de-edad ang inaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Base sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, ang akusado ay kabilang sa mga Most Wanted Person ng Valenzuela City Police Station (VCPS).

May inilabas na warrant of arrest ang Family Court, Branch 16, ng Valenzuela City, noong January 23, 2026 laban sa akusado para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Kaagad namang nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela CPS na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto sa akusado sa Barangay Canumay East, dakong alas-12:10 ng madaling araw.

Hindi naman umano pumalag ang akusado nang isilbi ng mga operatiba ng WSS ang nasabing arrest warrant na may inirekomendang piyansa na P360,000 gamit ang Body-Worn Camera (BWC) para sa documentation.

Samantala, isinasailalim sa medical examination ang akusado bago tinurnover sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS kung saan siya pansamantalang ipiniit habang hinihintay ang utos ng korte bago ikulong sa City Jail. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here