Home HOME BANNER STORY Patay sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 43

Patay sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 43

240
0

MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga natatagpuang bangkay mula sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan, nitong araw ng Lunes, Pebrero 2.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ngayong araw ay may narekober pang karagdagang tatlong bangkay.

“Ang rigid-hulled inflatable boat ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) ay nag-turnover ng isang bangkay sa BRP Capones (MRRV-4404) bandang 10:05AM,” ayon sa pahayag ng PCG.

“Bandang 10:28AM, nakatanggap ang 44-meter vessel ng ulat ukol sa pagkakita ng dalawang karagdagang bangkay sa Mataja Island, Basilan,” dagdag pa ng PCG.

Nananatili sa 316 ang bilang ng mga nakaligtas mula sa lumubog na barko, ayon sa PCG.

Sa koordinasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nagtungo ang BRP Capones sa Mataja Island upang kunin ang mga bangkay para sa pagkakakilanlan at tamang disposisyon.

Ang M/V Trisha Kerstin 3 ay umalis mula sa Port of Zamboanga City patungong Jolo, Sulu noong Enero 25 ngunit lumubog ito sa karagatan ng Basilan noong Enero 26.

Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbiyahe ng buong fleet ng Aleson Shipping Lines habang nagsasagawa ng maritime safety at inspection audit. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here