Home NATIONWIDE Pagpapagaan sa buhay ng mga mananakay, tinalakay sa Malakanyang

Pagpapagaan sa buhay ng mga mananakay, tinalakay sa Malakanyang

165
0

MANILA, Philippines – Mas mabilis at komportableng byahe, pinaikling pila, dagdag na mga tren at mas mahabang operating hours.

Ito ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ay ilan lamang sa mga tinalakay sa ginanap na pagpupulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang Department of Transportation, umaga ng Martes, Enero 3, 2025.

Sa katunayan, nagbigay ng ulat si DOTr Acting Secretary Jovanni Lopez sa Pangulo hinggil sa mga nagawa ng improvement sa mga railway ng bansa.

Kabilang na rito ang rehabilitasyon ng train facilities ng MRT Quezon Avenue Station, nagpapatuloy na implementasyon ng cashless payment sa MRT 3 at pagpapakilala sa cashless payment sa LRT 1 at 2 ngayong taon.

At ang pagsasa-ayos ng natitirang Dalian train upang mapakinabangan ng mga mananakay sa MRT 3.

Sinasabing may 6 pang Dalian trains ang aayusin ngayong 2026, na magdadagdag ng bagon at magpapagaan ng siksikan sa MRT 3.

Kasama rin sa ulat ni Sec. Lopez ang update patungkol sa major transportation infrastructure projects ng pamahalaan.

Inaasahang magsisimula na ang partial operations ng north-south commuter railway (NSCR) sa 2027 para sa rutang Valenzuela hanggang Malolos, Bulacan. At 2028 naman para sa ruta ng Malolos hanggang Clark.

Sinasabing 2027 din ang target ng partial operations ng MRT 7 na magdudugtong sa Quezon City at Bulacan.

Samantala, nakatakda namang magsimula ang demo run ng Metro Manila subway sa taong 2028 at sa taong 2033 ay inaasahan na fully operational na ito.

Nagbigay naman ng direktiba ang Pangulo sa Kalihim na gawing prayoridad ang kapakanan ng mga mananakay, panatilihing malinis at maaliwalas ang mga pasilidad at siguruhing reliable at on-time ang mga tren sa lahat ng oras.

Sa parehong miting, iminungkahi rin ni Sec. Lopez na gawing 5 years ang validity ng registration ng mga bagong sasakyan.

Isang reporma na malaki ang dalang ginhawa para mga motorista. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here