Home NATIONWIDE Lacson, Sotto: Senate presidency, inialok kay Legarda

Lacson, Sotto: Senate presidency, inialok kay Legarda

192
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson nitong Martes ang umano’y nabigong pagtatangkang i-alok kay Sen. Loren Legarda ang pagiging Senate President.

Ayon kay Lacson, nang hindi pumayag si Legarda, ipinakita ng mga plotter na siya umano ang nagboluntaryo upang tumulong sa pagkakalap ng suporta, na tinawag niyang “malicious” at “sadistic.”

“After dangling the Senate presidency to her, they are now floating the falsehood that it was Sen. Loren who volunteered to recruit warm bodies to pave the way for a new Senate majority. It is not only malicious. It is sadistic,” ani Lacson.

Kinumpirma rin ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nakarating sa kanila ang parehong impormasyon na inalok si Legarda ng posisyon.

“She was being convinced. She refused,” dagdag ni Sotto.

Ayon kay Sotto, nilapitan si Legarda ng mga minority senators, ngunit tumanggi ito sa alok.

Habang si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ay inamin na nagkaroon ng diskusyon tungkol sa direksyon ng pamumuno sa Senado, sinabi niyang wala pa silang nakukuhang sapat na boto.

“But as of today, we don’t have that 13 [votes] yet,” aniya.

Ani Sotto, maaaring nag-ugat sa kanyang mahigpit na pagpapatupad sa budget insertions at pagbabago sa committee chairmanships ang pagkadismaya ng ilang senador. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here