Home NATIONWIDE Suhestiyon ni DOTr Sec. Lopez na 5-year registration sa mga bagong sasakyan,...

Suhestiyon ni DOTr Sec. Lopez na 5-year registration sa mga bagong sasakyan, inaprubahan ni PBBM

160
0
WALANG galawan ang mga sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth patungong Fairview dahil sa mga baha dulot ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan.Samantala, pahirapan naman sa pagsakay ang mga commuter dahil sa mga stranded na sasakyan na bumabyahe sa COA Commonwealth papuntang Quezon City Hall. REY NILLAMA

MANILA, Philippines – Inisyal na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang suhestiyon ni Acting Secretary Jovanni Lopez na gawing 5 years ang registration sa halip na 3 years para sa mga bagong sasakyan.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na naipakita kasi ng Kalihim ang kagandahan nito.

“Inisyal na naaprubahan po ito ng Pangulo at susundan ito ng mga memorandum na gagawin ng DOTr. So, hintayin na lamang po natin ito,” ayon kay Castro.

Nauna rito, nagbigay naman ng direktiba ang Pangulo sa Kalihim na gawing prayoridad ang kapakanan ng mga mananakay, panatilihing malinis at maaliwalas ang mga pasilidad at siguruhing reliable at on-time ang mga tren sa lahat ng oras.

Isang reporma na malaki ang dalang ginhawa para mga motorista. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here