Home METRO Pulis arestado sa ‘di pagdakip sa pumatay ng kapwa pulis sa Bulacan

Pulis arestado sa ‘di pagdakip sa pumatay ng kapwa pulis sa Bulacan

216
0

BULACAN, Philippines – Inaresto ang isang police corporal sa Bulacan dahil umano sa hindi niya pag-aresto sa pangunahing suspek sa pagpatay kay Staff Sgt. Renato Casauay Jr., ayon kay Provincial Police Chief Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr.

Ayon sa imbestigasyon, inreport kay Cpl. Vivencio Abalos ng suspek na si Julian Salamat kung paano niya pinatay si Casauay, ngunit hindi ito inaksyunan ni Abalos.

“Abalos did nothing. As a police officer, he should have arrested him… We only knew what he knew after six days,” ani Peñones.

Inamin umano ni Abalos na hindi niya inaresto si Salamat dahil natakot siya. Sinabi rin na siya ay consultant sa volunteer group na kinabibilangan ng suspek.

Natagpuan si Casauay na patay sa septic tank sa bakuran ng isang bahay sa Malolos City noong Enero 31, isang linggo matapos siyang huling makita noong Enero 24.

Samantala, nag-alok ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng P1-milyong pabuya para sa impormasyong hahantong sa pagkakaaresto ng mga suspek kabilang si Julian Salamat, na kilala rin bilang “Mon,” na nananatiling nakalalaya.

“I am announcing a P1-million reward for information leading to the arrest of Mon Salamat and company,” pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa isang press briefing sa Camp Crame noong Martes.

Ayon kay Secretary Jonvic Remulla, anim pang suspek ang kasalukuyang nakatakas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here