ILOCOS SUR, Philippines – Arestado ang isang 18-anyos na estudyante dahil sa pagbebenta ng sawa (Burmese python) sa Vigan City, Ilocos Sur kahapon, Pebrero 2.
Ayon sa mga awtoridad, ang suspek ay isang high school student, residente ng Bantay, Ilocos Sur.
Ang entrapment operation ay ikinasa ng mga personnel ng Ilocos Sur MARPSTA (lead unit) kasama ang Cabugao MLET, Vigan CPS at CENRO Bantay, Ilocos Sur.
Wala umanong hawak na necessary permit ang suspek kaya hinuli siya ng mga awtoridad dahil sa paglabag nito sa RA 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act).
Nabatid na nakipagkasundo ang suspek sa poseur-buyer sa halagang Php7,500. Rolando S. Gamoso