Home NATIONWIDE Boga, tobats nasabat sa 3 suspek sa Pasay

Boga, tobats nasabat sa 3 suspek sa Pasay

171
0

MANILA, Philippines – Sa ikinasang oplan galugad/foot patrol ng mga tauhan ng Pasay City police Sub-Station 5 (Baclaran) ay nadakip ang tatlong suspek na nahuli sa aktong naglalaro ng cara y cruz at nakumpiskahan pa ng baril at shabu Martes ng hapon, Pebero 3.

Kinilala ni Pasay City police chief /Col. Joselito De Sesto ang mga nadakip na suspek na mga taga Pasay na sina alyas Carlo Bunso, 28, e-bike driver, ng Mulawin St., Barangay 182; alyas Mario Kabayo, 36, miyembro ng Sputnik Gang, ng F.B Harrison Extension, Barangay 78; at isang alyas Kim, 25, residente ng Don Carlos Revilla St., Barangay 148 Zone 16.

Base sa report na isinumite ni De Sesto sa Southern Police District 9SPD), napag-alaman na naganap ang pag-aresto sa mga suspek bandang alas 5:00 ng hapon sa kahabaan ng Sitio San Juan, Barangay 190 Zone 20, Pasay City.

Ayon kay De Sesto, habang nagsasagawa ng oplan galugad/foot patrol ang mga tauhan ng SS-5 sa nabanaggit na lugar ay namataan ng mga ito ang tatlong suspek na naglalaro ng cara y cruz na isang paglabag sa ordinansa ng lungsod na nagdulot ng kanilang pagkakaaresto.

Sa patuloy na pagsisiyasat ay nakumpiska kay alyas Carlo Bunso ang isang .22 kalibre rebolber na baril na kargado ng dalawang bala habang si alyas Mario Kabayo naman ay nakuhanan ng .11 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P748.

Bukod sa baril at shabu ay kinumpiska rin ng mga operatiba ang P370 na pinagpupustahang pera ng mga suspek gayundin ang tatlong mamiso na barya na kanilang ginamit bilang pangara kung saan gagamitin ang lahat ng mga nakumpiskang ebidensya para sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa kanila.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police ang mga suspek kung saan bukod sa kasong P.D. 1602 (illegal gambling) ang isasampa laban sa kanila ay may karagdagan pang kaso ng paglabag sa R.A. 10591 (illegal possession of firearm and ammunitions) si alyas Carlo Bunso habang si alyas Mario Kabayo naman ay nahaharap pa sa kasong paglabag sa Article II ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Pasay City Prosecutor’s Office. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here