Home NATIONWIDE Pagpapalakas sa proteksyon ng mga hayop, inihain ni De Lima

Pagpapalakas sa proteksyon ng mga hayop, inihain ni De Lima

231
0

MANILA, Philippines – Inihain ni Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima ang House Bill No. 7238, o ang “Revised Animal Welfare Act,” upang punan ang kakulangan at palakasin ang implementasyon ng RA 8485, na inamyendahan ng RA 10631.

“Every year, hundreds of thousands of animals are born into suffering on Philippine streets, an escalating crisis of neglect and cruelty that our existing laws have failed to contain,” saad ni De Lima.

Binanggit niya na maraming kaso ng animal cruelty ang hindi naitala o naiulat, kabilang ang trahedya ng golden retriever na si Killua sa Camarines Sur, na pinatay ng isang barangay tanod.

Sa ilalim ng HB 7238, layunin ng panukala na palakasin ang rescue at enforcement mechanisms, kabilang ang pag-alis ng hayop sa malupit na kondisyon; i-institutionalize ang animal protection orders; protektahan ang mga enforcer at concerned citizens laban sa SLAPP; magpataw ng graduated at deterrent penalties sa cruelty, abandonment, illegal dog meat trading, at repeat offenses; lumikha ng Animal Welfare Bureau (AWB) sa Department of Agriculture para magpatupad ng animal welfare policies, standards, at interagency coordination; magpatupad ng dog/cat population control programs nang hindi pumapatay o nag-euthanasia, maliban kung may incurable disease at pinayuhan ng lisensyadong beterinaryo; at magtatag ng Barangay Animal Welfare Unit (BAWU) sa bawat barangay para masigurong epektibo ang implementasyon sa grassroots level. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here