Home NATIONWIDE ASEAN socio-cultural agenda tinalakay ng DSWD sa Kapihan sa Manila

ASEAN socio-cultural agenda tinalakay ng DSWD sa Kapihan sa Manila

215
0

MANILA, Philippines – Tinalakay ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mahahalagang usapin kaugnay ng ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC) Council Meeting sa ginanap na Kapihan sa Samahang Plaridel sa Rizal Park Hotel Manila noong Biyernes, Pebrero 6, 2026.

Ayon kay Gatchalian, ang DSWD, bilang magiging host, ay layong palakasin ang pagkakaisa at solidaridad ng mga mamamayan at mga ASEAN member states. Bahagi rin ng layunin ng pulong na itulak ang ASEAN bilang isang institusyong mas tumutugon, may malasakit, people-centric, at inklusibo para sa lahat.

Binigyang-diin ng kalihim ang mahalagang papel ng ASCC sa pagsusulong ng kapakanan ng mga mamamayan sa rehiyon at sa pagbuo ng mga programang may direktang benepisyo sa komunidad. Crismon Heramis

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here