MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Biyernes na hinikayat niya si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na huwag tanggapin ang kanyang sahod habang wala sa Senado.
Ginawa niya ito kasunod ng pag-file ni Rep. Sandro Marcos ng House Bill No. 7432, na naglalayong ipatupad ang “no work, no pay” scheme para sa mga mambabatas, kasama na ang mga senador.
“Maybe in the beginning, if possible, voluntarily. Isn’t that what I suggested to Sen. Ronald—that, if possible, he reduce the pressure from people saying, ‘You don’t attend work, so why are you getting paid?’” ani Sotto.
Sa ilalim ng Salary Grade 31, kumikita ang isang senador ng hindi bababa sa P293,191 kada buwan simula Enero 2025.
Ayon kay Sotto, wala pa siyang natanggap na tugon mula kay Dela Rosa. Sa kasalukuyan, may “automatic” access pa rin si Dela Rosa sa kanyang sahod na ibinibigay tuwing katapusan ng buwan.
Si Dela Rosa ay matagal nang hindi dumadalo sa kahit anong hearing sa Senado matapos umanong mabalita na mag-iisyu ng warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya, kaugnay ng umano’y karahasan sa panahon ng war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Duterte. RNT/MND