Home ENTERTAINMENT Carmina, flinex si Zoren, nanupalpal na naman!

Carmina, flinex si Zoren, nanupalpal na naman!

219
0

Manila, Philippines – Ang mag-asawang Carmina Villaroel ar Zoren Legaspi ang latest power couple na itinuturong hiwalay na.

Nagpaliwanag na ang actor-director tungkol dito— hindi raw sila ‘super couple.’

Ang totoo raw, simpleng pamilya lang daw sila ng asawa’t mga anak na sina Cassy at Mavy.

As if to further prove na hindi nga sila ang mag-asawang naba-blind item, it’s Carmina’s turn to belle rumors.

Sa kanyang latest post, ibinalandra ng aktres ang kanyang birthday greeting para kay Zoren.

Zoren turned 53.

Magkasama sila sa isang photo with Carmina’s simple caption: “Happy birthday Tatty (tatay) @zorenlegaspi!”

Batay sa ilang mga kuha, sinorpresa lang ng aktres ang at mga kambal si Zoren right at their home.

Naka-house clothes lang kasi si Zoren na ginawaran mg halik ni Carmina.

Nauna nang nabalitang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang power couple na naghiwalay.

Marian, however, dismissed it.

Sinundan ito nina direk Paul Soriano at Toni Gonzaga–na sinagot din ng huli habang nagla-live online selling. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here