Home ENTERTAINMENT ‘Retokadong look’ ni Michael, aprub kay Mommy D!

‘Retokadong look’ ni Michael, aprub kay Mommy D!

203
0

Manila, Philippines – Pinuri ni Mommy Dionisia ang napansin niyang pagbabago sa itsura ng kanyang apong si Michael Pacquiao.

Si Michael ang ikalawang anak nina Manny at Jinkee Pacquiao.

Kamakailan ay binisita ni Michael ang kanyang lola–kasama ang nobya nitong si Joyce Tan-Custodio.

Sa Facebook video ni Michael Yamson, karelasyon ni Mommy Dionisia, masayang nag-bonding ang maglola.

Halatang nagulat ang ina ng Pambansang Kamao sa laki ng pagbabago sa itsura ni Michael.

Usap-usapan kasing sumailalim ito sa nose procedure, pero hindi pa ito kumpirmado.

Pagkakita sa apo, napabulalas si Mommy Dionisia ng: “Uy, kaguwapo!”

Sinabayan nito ng tanong na: “Unsa na imong ilong?” na ang ibig sabihi’y ano ang nangyari daw sa ilong ng apo.

Sinundan ito ng biruan, yakapan at kuwentuhan.

Mababasa sa caption na aprub kay Mommy Dionisia ang bagong look ni Michael.

Maaalalang January 17 nang ibida mismo ni Michael ang kanyang bagong look.

Pero hanggang ngayon, hindi pa umaamin ang panig ni Michael kung sumailalim nga siya sa nose job.

Samantala, “pinagtripan” din ng mga netizens ang age gap ni Michael at ng kanyang stylist-girlfriend.

Pero ani Joy, sanay na daw sila ng katipan na iniisyu ang kanilang age difference. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here