Home ENTERTAINMENT Aiko, sobrang payat, pinangangambahang magka-anorexia nervosa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Aiko, sobrang payat, pinangangambahang magka-anorexia nervosa!February 6, 2026 19:381760 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Parang lantang bulaklak.Ito ang isa sa mga headline ng isang episode ng Cristy Ferminute patungkol sa aktres-pulitiko na si Aiko Melendez.Ayon kay Cristy, nakakatanggap daw siya ng maraming tawag mula sa mga kaibigang nakakapansin sa sobrang kapayatan ngayon ni Aiko.Noong una daw ay gandang-ganda pa si Cristy sa ibinawas ng timbang ng aktres: “Pero pag sobra na, delikado ‘yon!”Nangangamba tuloy si Cristy that Aiko’s loss of weight might lead to anorexia nervosa.“Sa aminin man o hindi ni Aiko, ang anumang bagay na sobra ay hindi na maganda,” sabi pa ni Cristy.Pero sumusumpa ang beteranang manunulat na walang dudang hindi kallanman nalulong sa mga ipinagbabawal na gamot si Aiko.“Pero sa hitsura kasi niya ngayon, eh, iisipin mong nagda-drugs siya.“Pero hindi, eh…walang ganoong record si Aiko! Ang pinagtatakhan ng marami, eh, bakit ‘adik na adik’ siya sa pagpapayat?”Umaasa si Cristy that Aiko will seriously take this as a piece of advice para tigilan na niya ang pagpapapayat.Nanghihinayang si Cristy dahil isa pa naman si Aiko sa may magagandang mukha sa showbiz–may makeup man o wala.Heard that, Konsi? Ronnie Carrasco III