Home ENTERTAINMENT Kim, nagpa-feng shui, pinag-iingat na naman!

Kim, nagpa-feng shui, pinag-iingat na naman!

178
0

Manila, Philippines – Muling binisita ni Kim Chiu ang kanyang paboritong manghuhula o feng shui expert upang humingi ng guidance sa kanyang kapalaran sa showbiz, this year.

Katunayan, nakasama pa ni Kim noon ang kanyang Ate Lakam sa mga nakaraang taon sa pagpunta sa Binondo.

Ngayong Year of the Fire Horse, binalikan ni Kim ang feng shui expert na si Master Johnson Chua sa kanyang vlog.

Iniranggo naman ng manghuhula ang kapalaran ng aktres sa 2026.

Aniya, ika-11 raw ang signos ni Kim sa mapalad sa 12 zodiac signs this year o pangalawa sa inauspicious.

Gayunpaman, may suwerte pa rin daw na naghihintay sa TV host-actress.

Dagdag pa niya, kailangan lang daw ng ibayong pag-iingat nito sa kasalukuyang taon.

“Pag narinig nyo yung mababa yung ranking ninyo for this year, dapat nyo lang i-times two, i-times three yung alertness and awareness natin. Yun lang naman yung purpose nun eh. Sabi ko nga, maximize the positive stars,” ayon sa Feng Shui master.

Sey pa niya, kahit daw ipinanganak sa Year of the Horse si Kim ay hindi nangangahulugang labis na papalo ang kapalaran nito.

Paliwanag pa niya, may conflicting stars daw kasi na nababasa sa kapalaran ng chinita actress.

Binalaan pa niya si Kim na iwasang masangkot sa anumang gulo sa 2026.

Pabiro namang sita ni Kim, dapat daw ay pinaalalahanan siya ng manghuhula sa nangyari sa kanya last year kung saan nagkaroon siya ng isyu sa kanyang kapatid.

Matatandaang noong 2024, nagbigay na ng warning ang nasabing Feng Shui master kay Kim tungkol sa posibilidad na mapagnakawan ng taong kanyang pinagkakatiwalaan. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here