Home ENTERTAINMENT Rebelasyon: Sam, nag-iiyak nang isplitan ni Rhian!

Rebelasyon: Sam, nag-iiyak nang isplitan ni Rhian!

211
0

Manila, Philippines – Men do cry as well.

Maging ang mga macho na tulad ng negosyanteng si Sam Versoza ay umiiyak din.

After all, just like everyone else–tao din siya’t may damdaming nasasaktan.

Napag-alamang iyak daw nang iyak si Sam nang makipag-split sa kanya si Rhian Ramos.

This was shared by Boy Evangelista, pangulo ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption sa panayam ng PEP sa kanya.

Si Evangelista ang nag-aasiste kay Bonifacio Baro na driver at personal assistant ng Kapuso actress.

Inaakusahan nito si Rhian kasama na sina Michelle Dee at Samantha Panlilio ng pananakit at illegal detention.

Ayon kay Boy, sinabi ni Baro na nakausap niya si Sam, na aniya’y mabait daw.

Ani Baro, bilin daw ni Sam ay alagaan nito si Rhian.

Inamin daw sa kanya ng negosyante at dating Congressman na labis daw nitong dinamdam nang hiwalayan siya ni Rhian bago magtapos ang 2025.

Kuwento pa ni Boy, nagalit umano si Rhian kay Baro dahil sa pagbibigay nito ng impormasyon kay Sam mula nang isplitan siya nito.

Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon mula sa panig ni Rhian o ni Sam.

Samantala, damay din sa usapin ang Fil-Am vlogger na si Will Dasovich na umano’y bagong karelasyon ni Rhian. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here