Home METRO Sekyu binaril ng OIC dahil sa day-off

Sekyu binaril ng OIC dahil sa day-off

199
0

BATANGAS, Philippines – Nagpapagaling ngayon sa ospital ang isang security guard matapos mabaril ng kanyang officer-in-charge (OIC) dahil lamang sa paghiling nito ng day-off, iniulat kahapon sa Sto. Tomas City.

Nilapatan ng lunas sa St. Frances Cabrini Hospital ang 30-anyos na biktima habang sumuko naman sa pulisya ang 56-anyos na suspek.

Batay sa report ng Sto. Tomas Police Station, bandang 11:00 AM noong Pebrero 2, 2026 naganap ang insidente sa Purok 6, Barangay San Miguel, ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktimang isang reliever security guard at humiling ito sa kanyang OIC ng day-off.

Dahil sa wala umanong kapalitan ang biktima hindi pumayag ang suspek dahil hindi maaring walang bantay ang kanyang pwesto.

Bigla na lamang umanong nagdabog ang biktma na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng shot gun ang suspek at nabaril ang biktima na tinamaan sa leeg.

Agad naman rumesponde ang mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at narekober sa suspek ang isang ARMSCOR 12-gauge shotgun.

Posibleng maharap sa kasong frustrated homicide ang suspek. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here