Home NATIONWIDE Karamihan sa miyembro ng Kamara pabor sa pag-alis ng travel tax

Karamihan sa miyembro ng Kamara pabor sa pag-alis ng travel tax

190
0

MANILA, Philippines — Pabor ang mayorya ng mga mambabatas sa Kamara sa panukalang alisin ang travel tax na ipinapataw sa mga Pilipinong bumibiyahe palabas ng bansa, ayon kay House tourism committee vice chair at Palawan 3rd District Rep. Gil Acosta Jr.

Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni Acosta na tatalakayin ng Kongreso sa mga susunod na linggo kung lilimitahan lamang sa exemptions o tuluyang aalisin ang travel tax.

“Medyo positive naman dito sa House. Majority ng mga kasamahan namin ay sumusuporta. Tinitingnan lang kung mas maganda ang exemption o total abolition,” ani Acosta.

Nilinaw niya na hindi layon ng panukala na bawasan ang pondo ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Commission on Higher Education (CHED).

Ayon kay Acosta, kapag naisabatas ang panukala, direktang ilalaan sa General Appropriations Act (GAA) ang pondo para sa mga apektadong programa.

“Nakapag-usap na rin sa Finance. Hindi made-defund ang mga ahensya. Mas magiging maganda pa dahil hindi na sila dependent sa dami ng lumalabas ng bansa,” dagdag niya.

Ilang panukalang batas na ang nakabinbin sa Kamara, kabilang ang HB 7443 ni House Majority Leader Sandro Marcos at HB 7367 ni Cebu City Rep. Edu Rama, na kapwa naglalayong tuluyang alisin ang travel tax.

Nauna nang sinabi ng Department of Tourism na nasa Kongreso ang desisyon, ngunit iginiit ang pangangailangang maglatag ng alternatibong pondo para sa mga programang pang-imprastraktura ng turismo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here