COTABATO- PINAGBABARIL patay ang isang retiradong sundalo ng mga hindi pa kilalang armadong kalalakihan matapos tambangan ang una ng mga huli, iniulat kahapon, Pebrero 8, sa bayan ng Matalam.
Kinilala ang biktimang si Retired Col. Leonardo Songcaya, 68, president ng Federation of Senior Citizen of Matalam Cotabato at residente ng Purok Asuzena B, Barangay Poblacion, ng nasabing bayan.
Batay sa report ng Matalam Police Station, bandang 12:00 ng tanghali naganap ang krimen sa Kalye Putol, Kidama Road, Brgy Poblacion, ng naturang bayan.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang Navara Pick-Up ng bigla na lamang itong harangin ng mga armadong suspek at pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamtayan.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang gma suspek sa hindi malamang direksyon.
Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng mga basyo ng M16 rifle at caliber .45 pistol.
Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen. Mary Anne Sapico