Home HOME BANNER STORY Ikatlong impeachment complaint inihain vs VP Sara

Ikatlong impeachment complaint inihain vs VP Sara

269
0

MANILA, Philippines – Naghain ng ikatlong impeachment complaint ang ilang religious groups, mga pari at grupo ng mga abogado laban kay Vice President Sara Duterte sa tanggapan ni House Secretary General Cheloy Garafil.

Sa 98-pahinang reklamo inakusahan ng grupo si Duterte ng paglabag sa Konstitusyon, betrayal of public trust, graft and corruption at illegal na paggamit ng confidential funds.

Ayon kay Atty Amando Virgil Ligutan, legal counsel ng mga complainants, na ang nilalaman ng ikatlong impeachment ay ang resulta ng naging imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability kung saan nabunyag ang illegal na paggamit ng pondo ng taggapan ni Duterte kasama dito ang Office of the Vice President at Department of Education.

Batay sa reklamo, nasa P612 milyon ang winaldas na pondo ni Duterte.

Kasama din ang ginawa nitong pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., First Lady Liza Marcos at dating House Speaker martin Romualdez gayundin ang akusasyon ng staff ni Duterte na si Ramil Madriaga na sangkot sa drug money ang Bise Presidente.

Si Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima ang nag endorso ng ikatlong reklamo.

Noong Pebrero 2 nang magkasunud na ihain ang dalawang impeachment complaint laban kay Duterte, ang una ay inendorso ng Makabayan Bloc solon habang ang ikalawa ay inendorso nina De Lima at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña.

Nang hingan ng paliwanag sa pag endorso ng dalawang impeachment complaint, sinabi ni de Lima na hindi ipinagbabawal ang pag endorso ng higit sa isang complaint.

“Walang prohibition for anyone or any endorser na mag-endorse more than once. Wala sa rulesm wala sa batas na isa lang dapat ang inendorse ng isang miyembro ng House of Representatives” paliwanag ni de Lima.

Inamin ni de Lima na pumayag sya na iendorso ang ikalawa at ang ikatlong impeachment complaint dahil kilala nya ang mga complainants, kinabibilangan umano ito ng mga pari na nagsilbi din na kanyang spiritual adviser ng ito ay nakakulong.

Aniya, tinignan nya ang reklamo at kumbinsido sya na lulusot ito sa sufficiency in form and substance, marami umanong supporting documents sa reklamo na tatayo sa paglilitis hanggang sa conviction.

Nilinaw din nito na hindi political harassment ang impeachment complaint laban kay Duterte.

“Nakikita natin na ang mga complainants are private citizens, they are members of organizations campaigning for accountability” giit ni de Lima.

Kumpiyansa si de Lima na matibay ang ebidensya laban kay Duterte na mismong galing mismo sa kanyang bibig. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here