Home HOME BANNER STORY Committee report na nagbabasura sa 2 impeachment vs PBBM inaprubahan na

Committee report na nagbabasura sa 2 impeachment vs PBBM inaprubahan na

299
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Justice ang report ukol sa pagbasura sa dalawang impeachment complaints na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Sa pamamagitan ng botong 39, apat ang tutol at walang abstention sa dalawang impeachment complaints laban sa Pangulo ay inaprubahan ang committee report at ang resolusyon na nagbabasura sa reklamo.

Pangunahing dahilan ng pagbasura ay ang kakulangan o insufficiency in substance.

“Dahil nanindigan ang Justice Committee na hindi sufficient in substance ang De Jesus at Maza et al. complaints, pinagtibay na rin ng Committee na i-dismiss ang dalawang impeachment complaints laban sa ating Pangulo,” Justice Committee Chairperson and Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” ayon kay Luistro, chairman ng House Committee on Justice.

Binigyang diin pa ni Luistro na ang pagdismis sa committee report ay maaari pang baguhin ng plenaryo kapag ito ay pinagbotohan na.

“Para po ito ma-approve o ma-disapprove, the requirement is at least a one-third vote of all the Members of the House of Representatives,” dagdag pa ni Luistro. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here