Home NATIONWIDE Herbosa, Frasco pinagkakatiwalaan pa rin ni PBBM

Herbosa, Frasco pinagkakatiwalaan pa rin ni PBBM

169
0

MANILA, Philippines – IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Malakanyang ang di umano’y public dissatisfaction laban kina Secretary of Health Ted Herbosa at Tourism Secretary Christina Frasco, kapuwa mga opisyal na patuloy na pinanghahawakan ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na walang opisyal na pag-uusap kaugnay sa sinasabing ‘dissatisfaction’ na umiikot at kumakalat online, “pure speculation” aniya ito.

“Wala pong anumang pag-uusap patungkol po sa mga sinasabing mga dissatisfaction na binabanggit po sa social media at online; ito ay puro ispekulasyon lamang,” ayon kay Castro.

“Kaya naman, ang dalawa pong Cabinet secretaries ay patuloy na nag-e-enjoy ng pagtitiwala ng Pangulo,” aniya pa rin.

Sa ulat, umingay ang pangalan ni Frasco nang hayagang komprontahin ni Senador Raffy Tulfo sa pagdinig ng Senate Committee on Tourism si Tourism Secretary Maria Christina Frasco dahil sa mga tourism materials na umano’y tadtad ng larawan ng Kalihim.

Kinuwestiyon ni Tulfo kung bakit kinakailangang madalas makita ang mukha ng kalihim sa mga tourism promotional materials—na ayon sa senador, tila mas kahawig ng vlogger kaysa tourism campaign.

Ang mga larawang ito, ginagawang memes at nagte-trending pa sa social media.

Kabilang dito ang larawan ni Frasco sa isang magazine sa Japan, sa isang welcome sign sa isang airport sa Boracay, at sa isang photo shoot na nagpo-promote ng Lake Sebu sa South Cotabato.

Habang umugong naman ang balita na papalitan na sa puwesto si Herbosa sa gitna ng iba’t ibang isyu na kinahaharap ng DoH.

Kabilang sa naging isyu kay Herbosa ay ang P98 milyong radio show na “PINASigla¬” na ipinalala¬bas sa mga outlet ng Phi-lippine Collective Media Corporation. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here