Home SPORTS Lakers bigo sa Thunder sa pagbabalik ni Jalen Williams

Lakers bigo sa Thunder sa pagbabalik ni Jalen Williams

218
0

NAGBALIK-AKSYON si Jalen Williams at agad nagpakitang-gilas upang tulungan ang Oklahoma City Thunder na talunin ang Los Angeles Lakers, 119–110, at tapusin ang kanilang dalawang sunod na pagkatalo.

Umiskor si Williams ng 23 puntos, kung saan 15 ay ginawa niya sa second half matapos ang 10-game absence dahil sa injury. Naging susi ang kanyang mga tira sa huling bahagi ng laban.

Kapwa wala sa laro ang mga bituin na sina Shai Gilgeous-Alexander ng Thunder at Luka Doncic ng Lakers dahil sa injury, kaya mas umasa ang dalawang koponan sa kanilang supporting cast.

Nag-ambag si Isaiah Joe ng 19 puntos at si Alex Caruso ng 17 mula sa bench ng Thunder. Nagposte rin si Chet Holmgren ng double-double na 13 puntos at 10 rebounds, kasama ang isang mahalagang put-back dunk sa dulo ng laro.

Para sa Lakers, nanguna si LeBron James na may 22 puntos, 14 dito ay sa second half. Nagdagdag sina Marcus Smart ng 19 at Austin Reaves ng 16, ngunit kinapos pa rin dahil sa mahinang depensa.

Dahil sa panalo, nananatiling isa sa nangungunang koponan ang Thunder sa liga, habang naputol naman ang three-game winning streak ng Lakers sa kanilang home court.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here