Home NATIONWIDE Shear line, Amihan patuloy na magpapaulan sa Luzon, Visayas

Shear line, Amihan patuloy na magpapaulan sa Luzon, Visayas

144
0

MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang shear line at Northeast Monsoon o amihan.

Ayon sa PAGASA, ang Visayas, Albay, Sorsogon, Masbate, Surigao del Norte, at Dinagat Islands ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.

Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Bicol Region, Aurora, at Quezon ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan dahil sa Amihan.

Kaparehong weather system din ang magdadala ng maulap na kalangitan na may isolated light rains sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here