Home NATIONWIDE Iligan City binisita ni Dizon

Iligan City binisita ni Dizon

212
0

MANILA, Philippines – Bumisita sa Iligan City si Public Works Secretary Vince Dizon upang suriin ang kalagayan ng mga pangunahing imprastraktura matapos ang pananalasa ng Bagyong Basyang.

Inatasan niya ang agarang dredging ng Iligan River upang madagdagan ang kapasidad nito matapos itong umapaw noong nakaraang linggo dahil sa malakas na ulan, na nagdulot ng pagbaha sa mga kalapit na lugar.

Gayunpaman, dahil sa kakulangan ng kagamitan, sinabi ni Dizon na pansamantalang magrerenta ang lokal na opisina ng DPWH mula sa mga kontraktor upang madagdagan ang kanilang resources.

Inutusan din niya ang district engineering office na bilisan ang paglilinis ng debris sa mga apektadong kalsada sa lungsod.

Ininspeksyon din ni Dizon ang Panul-Iran Bridge sa Barangay Abuno, na inanod ng baha.

Ang 20-taong gulang na steel bridge ay nagsisilbing bypass road mula Iligan patungong Marawi City.

Ang pansamantalang tulay ay inaasahang matatapos sa loob ng 60 araw.

Bukod pa rito, nasira rin ang flood mitigation structure sa ilalim ng tulay, na lalong nagpapalala sa sitwasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here