Home NATIONWIDE Overloading posibleng dahilan ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3

Overloading posibleng dahilan ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3

156
0

MANILA, Philippines – Overloading ang isa sa posibilidad o dahilan ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 sa karagatan ng Basilan ayon sa Department for Transportation (DOTr).

Sa press conference, ibinahagi ni DOTr Secretary Giovanni Lopez na ito ay kasunod ng inisyal na pagsusuri mula sa Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG).

Hindi rin umano natimbang ang mga rolling cargoes tulad ng mga truck at motorsiklo sa pantalan bago umalis ang barko base na rin sa imbestigasyon.

Ang iba pang posibleng dahilan ng paglubog ng barko ay ang mahinang seamanship at safety violations ayon kay Lopez.

Lumabas din ang inconsistencies na kasalukuyan pa ring bina-validate ng Coast Guard lalo na sa numero ng pasahero sa manipesto kumpara sa mga numero ng survivors o nawawala at narekober.

Sinabi rin ni Lopez na may safety deficiencies na nairekord sa M/V Trisha Kerstin 3 pero naisyuhan pa rin ito ng seaworthiness certificate.

Ang safety audit ay isinagawa ng isang third-party provider na MARINA-accredited private classification society na tinukoy bilang Orient Shipping Lines.

Ayon kay Lopez, hindi dapat tinanggap ng MARINA ang rekomendasyon ng third-party provider dahil sa mga naitalang kakulangan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here