Home NATIONWIDE PH-based ops ni Epstein, pinaiimbestigahan ng Gabriela

PH-based ops ni Epstein, pinaiimbestigahan ng Gabriela

176
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago ang House of Representatives na imbestigahan ang umano’y Philippine-based operations na konektado sa yumaong convicted American offender na si Jeffrey Epstein.

Kasama ang mga miyembro ng Makabayan bloc, nagsampa si Elago ng House Resolution 762 upang suriin ang naiulat na mga gawain na kinasasangkutan ng mga indibidwal at entidad sa Pilipinas na umano’y inengage ni Epstein at ng kanyang mga kasamahan, partikular sa digital reputation management at online operations matapos ang kanyang conviction.

“Any indication that Philippine-based individuals or firms may have been used to shield or assist a known international sex offender demands serious scrutiny,” ani Elago.

Dagdag niya, dahil sa kahinaan ng Pilipinas sa trafficking, online sexual abuse, at iba pang anyo ng gender-based violence, mahalagang masiguro na hindi maaabuso ang ating workforce o institusyon upang itago ang krimen laban sa kababaihan at mga bata.

Ayon sa resolusyon, ang mga ulat mula sa “Epstein Files” ay nagsasabing isang Philippine-based team ang na-engage upang magsagawa ng backend digital work at reputation management upang mapaganda ang online image ni Epstein. Binigyang-diin ni Elago ang pangangailangan ng maagap at masinsin na imbestigasyon upang palakasin ang mga batas para sa proteksyon ng kababaihan at mga bata.

Namatay si Epstein noong Agosto 10, 2019 habang naghihintay ng paglilitis sa New York sa kaso ng sex trafficking. Muling hinimok ng Gabriela ang pagpapatibay ng safeguards upang maiwasang magamit ang Pilipinas sa mga krimen laban sa kababaihan at mga bata sa buong mundo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here