Home NATIONWIDE 18-anyos na babaeng may mental health issues, suspek sa Canada shooting

18-anyos na babaeng may mental health issues, suspek sa Canada shooting

201
0

CANADA – Kinilala ng Canadian police ang salarin sa mass shooting sa Tumbler Ridge, British Columbia, bilang 18-anyos na si Jesse Van Rootselaar, isang babae na may kasaysayan ng mental health issues.

Nagtapos sa pagpapakamatay ang insidente, na ikinamatay ng siyam na tao, mula sa unang ulat na 10. Hindi pa inilalabas ng awtoridad ang motibo.

Ayon kay Deputy Commissioner Dwayne McDonald ng Royal Canadian Mounted Police, si Van Rootselaar, na ipinanganak na lalaki ngunit nagsimulang kilalanin ang sarili bilang babae anim na taon na ang nakalipas, ay unang pumatay sa kanyang ina na 39 anyos at sa kanyang 11-anyos na step-brother sa kanilang tahanan.

Pagkatapos, pumunta siya sa paaralan kung saan tinamaan niya ang isang 39-anyos na babaeng guro, tatlong 12-anyos na babaeng estudyante, at dalawang lalaking estudyante na may edad 12 at 13.

Sinabi ni McDonald na nag-isa lamang ang salarin. Inilarawan ni Prime Minister Mark Carney ang pamamaril bilang “terrible,” at inutos ang pagtaas ng watawat sa kalahating taas sa loob ng pitong araw habang hinihikayat ang mga Canadian na magtulungan. Nakipagpakiramay ang mga lider ng mundo, kabilang si King Charles.

Isa ang pamamaril sa pinakamamatay sa kasaysayan ng Canada, kasunod ng 2020 Nova Scotia rampage na pumatay sa 22 katao at ang 1989 Ecole Polytechnique massacre sa Montreal na pumatay sa 14 babaeng estudyante. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here