Home METRO Comelec gun ban, pinaiiral na sa special election ng 2nd District sa...

Comelec gun ban, pinaiiral na sa special election ng 2nd District sa Antipolo City

235
0

MANILA, Philippines – Sa ikalawang araw ng campaign period para sa special election, mas pinaigting ang police checkpoint sa Antipolo 2nd District dahil sa isasagawang halalan.

Ayon kay Comelec Director Atty. Arnulfo Pioguinto, layunin ng gun ban na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong panahon ng halalan sa darating na Marso 14, 2026.

Personal na tumungo si Rizal Provincial Director PCOL Eleazar Barber Jr. sa isang checkpoint sa Boso-Boso upang ipakita ang tamang pamamaraan ng kanyang kapulisan at ang pagiging propesyonal sa pakikitungo sa mga motorista, kabilang ang pagiging magalang sa kanila.

Sa mas pinaigting na pagpapatupad, mahigpit ang seguridad upang matiyak ang ligtas, maayos, at walang pangamba na pagboto ng bawat botante sa special election sa ikalawang distrito ng Lungsod ng Antipolo. (Maritess Pumaras)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here