Home OPINION TULOY-TULOY NA PAGTAAS NG PRESYONG LANGIS

TULOY-TULOY NA PAGTAAS NG PRESYONG LANGIS

333
0

WALANG maaasahan ang Pilipinas na pagbaba kundi pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa nagaganap na iringan sa pagitan ng United States at Iran.

Matatandaang ilang linggo nang pataas nang pataas ang presyo ng nasabing mga produkto, kasama ang liquified natural gas, dahil sa nasabing iringan na kapwa ang US at Iran ay nakakapit sa gatilyo ng giyera anomang oras.

Mula Enero 2026, may katamtamang P10.20 ang itinaas na ng presyo sa diesel kada litro, P7.95 sa gasolina, at P9.10 sa kerosene.

Bagaman sinasabing ang paglaki ng konsumo ng mga bansa, gaya ng Tsina, at pagliit ng suplay ng langis dahil sa giyerang Russia at Ukraine, ang ilang malaking dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis, hindi naman maikakaila na malaki ring dahilan ang iringan ng US at Iran.

Kamakailan lang, kinaptyur ng Iran ang dalawang oil tanker na nakaugnay umano sa US at may lamang ismagel na langis at ngayo’y nakapiit at nililitis ang mga crew ng mga ito ng mga korte sa Iran.

Dahil sa mga pangyayaring ito, nagtaasan na ang mga bayarin sa paglalayag ng mga oil tanker gaya ng insurance at iba pa at may epekto talaga sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa Pinas.

Sa isang pagkakamali sa iringan na patungo sa aktuwal na giyera, isasara nang lubos ng Iran ang Strait of Hormuz at wala nang makabibiyahe pang oil tanker at dito lalong magtataas ang presyo sa langis.

Nasa 27% ng suplay ng langis sa buong mundo ang dumaraan sa Strait of Hormuz at dito nagmumula ang pinakamalaking suplay ng langis sa Asya, kasama ang Pilipinas.

Kaugnay nito, may malalaking deposito ang Pinas na langis sa Mindanao at sa Luzon, partikular na sa Philippine Rise at West Philippine Sea.

Bakit hindi kumikilos ang gobyerno para kutkutin ang mga ito para sa lokal na suplay natin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here