Home NATIONWIDE Bong Revilla, 6 DPWH Bulacan officials, ‘di magpapasok ng plea bargain sa...

Bong Revilla, 6 DPWH Bulacan officials, ‘di magpapasok ng plea bargain sa flood control case

220
0

MANILA, Philippines – Tumanggi sina dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at anim na dating opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office (DEO) na pumasok sa plea bargain kaugnay ng kanilang kasong graft sa umano’y P92.8-milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan.

Napag-alaman ito sa kanilang pagharap sa Sandiganbayan Fourth Division ngayong Biyernes, kung saan tinanong ng korte kung isinaalang-alang ang plea bargain ngunit tinutulan ito ng depensa.

Ayon sa abogado ni Revilla na si Francesca Señga, wala muna silang planong magsumite ng karagdagang mosyon sa korte.

“Susunod kami sa rulings and orders ng court and we are hoping that the court will proceed to the case impartially,” ani Señga.

Ang pahayag ay ginawa matapos tanggihan ng anti-graft court ang lahat ng naunang mosyon ng mga akusado.

Ipinagpaliban ng korte ang pretrial na nakatakda sa Pebrero 19 habang ipinagpapatuloy ang preliminary conference.

Nauna nang nagpasok ng not guilty plea sa kasong graft ang anim na dating opisyal ng DPWH Bulacan 1st DEO na sina Assistant Engr. Brice Hernandez, Engr. Jaypee Mendoza, Engr. Arjay Domasig, Engr. Emelita Juat, Christina Pineda, at Juanito Mendoza.

Ang Sandiganbayan Fourth Division na pinamumunuan ni Associate Justice Michael Musngi ay nagpasok din ng not guilty plea para kay Revilla matapos itong tumangging maghain ng plea.

Ang lahat ng akusado, maliban kina Revilla at Juanito Mendoza, ay nagpasok din ng not guilty plea sa hiwalay na kasong malversation na dinidinig ng Sandiganbayan Third Division. Inilipat naman sa Pebrero 16 ang arraignment nina Revilla at Mendoza sa naturang kaso.

Si Revilla, na nag-waive ng kanyang pagdalo sa preliminary conference, ay nadawit sa iskandalo matapos igiit ng dating DPWH Undersecretary na si Roberto Bernardo na tumanggap siya ng kickback kapalit ng pag-endorso ng mga flood control project. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here